Ang Pinatubo ay isang "bulkang natutulog" sa loob ng halos limang siglo at ito ang naging tahanan ng mga kababayan nating mga aeta o ita mula nang dumating ang mga Kastilang sumakop sa atin noon. Sa kanyang pagkagising, napilitan ang mga naninirahan dito na magsilikas at pumunta sa kabayanan. Natatandaan ko noong mga panahong iyon ang pagdasa ng mga katutubong "Agta" sa Maynila. Sinakop nila ang lahat ng pwedeng sakupin. Ginawa nilang isang malaking evacuation center ang kahabaan ng lansangan. Noong una ay nagbibigay pa kami ng tulong sa mga namamalimos at nagbabahay-bahay dahil sa awa pero nang lumaon ay 'di na dahil sa dami nila. Hindi ka na magugulat noon kung makakakita ka ng mga batang itang naghahabulan sa mga islands ng EDSA.
Ang totoo rin, sa kanyang pagputok ko lang nalaman na pwede pa lang maging bulkan ang isang bundok! Nasanay kasi ko na kapag bulkan ang tinutukoy, “volcano” ang inilalagay sa hulihan ng pangalan tulad ng sa Mayon at Taal.
Isang “nobody” ang bulkang ito kaya nga siguro “Mt. Pinatubo” ang ipinangalan ni dating presidenteng Ramon Magsaysay, isang tubong Zambales, sa kanyang C-47 presidential plane para ito ay makilala. Ang siste nga lang, mas nabaon sa limot nang mag-crash ito sa Cebu noong 1957 na naging dahilan ng pagkasawi ng presidente at kasamang 24 katao.
Hindi pa nakakaahon ang administrasyon ni yumaong Tita Cory sa pagkabulabog ng Luzon dahil sa lindol ng July 16, 1990, isang kalamidad pa ang sumubok sa kanyang panunungkulan. Maraming eksperto ang nagsasabing ang lindol ng 1990 ang isa sa mga dahilan kung bakit sumabog ang bulkan. Ang epicenter kasi ng 7.7 na pagyanig ay nasa Cabanatuan, 100 km lang ng Pinatubo. Dalawang linggo matapos ang malakas na lindol ay nakakitaan ng mga “volcanic steams” ang bundok ngunit ito ay hindi itinuring ng mga siyentipiko bilang “eruptive activity”.
March 15, 1991 nang unang magpakita ng senyales ang Pinatubo na gusto nitong magpasabog ng kung ano mang nararamdamang init nito sa katawan. Sunud-sunod na pagyanig at pagbuga ng SULFURIC ASHES ang naranasan ng mga taong naninirahan malapit sa kinatatayuan nito sa mga sumunod na buwan. Nagsimulang magbigay ng babala ang PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology na kailangang lisanin ang mga lugar na malapit sa bundok. Ang unang “magmatic eruption” o ang pagkakataong nilabasan na ang bulkan ay naganap noong June 3, 1991. Ito ay nasundan pa ng ilang pagsirit noong June 12, 13, at 14. Nanlupaypay na ang tigasing bundok noong June 15, 1991. Nagbuga lang naman daw ito ng 800,000 tons ng zinc, 600,000 tons ng copper, 550,000 tons ng chromium, 300,000 tons ng nickel, 100,000 tons ng lead, 10,000 tons ng arsenic, 1000 tons ng cadmium, and 800 tons ng mercury.
Kitang-kita ko sa teevee kung paano nilamon ng abo ang mga lugar na malapit dito. Laman ng mga balita ang paglubog ng mga lugar sa Pampanga - mga bubungan nalang ang makikita sa mga bahay na nakatirik doon. Animo ay naging isang malaking disyerto ang dating masiglang kapatagan. Mas mahirap ang mga sumunod na araw matapos ang pagsabog dahil tag-ulan na nang mga panahon iyon. Nang maghalo ng tubig-ulan at abo galing bulkan ay nabuo ang tinatawag na "LAHAR" (Naaalala ko tuloy bigla 'yung asong si Laharsky na alaga ng pinsan kong si Bambie). Sinubukan itong solusyunan ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga istrukturang tinawag na MEGADIKES pero ito ay nauwi sa wala dahil tinipid ng mga potang kurakot at balasubas na mga inhinyerong pulpol. Ang mga pananggala sana sa lahar ay walang tibay kaya ito ay gumuho.
Isang umaga ay nagising kami na may bumabagsak na snow mula sa kalangitan. Hindi pa naman winter kaya kami ay nagtaka. Mas nagtaka kami nang maalala naming nasa Pilipinas nga pala kami kaya imposibleng magka-niyebe! Abo pala ang bumabagsak na 'yun. Parang 'yung sa isang scene sa pelikulang "Schindler's List" kung saan tinangay ng hangin ang abo ng mga Hudyong sinunog. Hindi lang sa Pampanga at Maynila ito naranasan dahil hanggang Vietnam, Cambodia, at Malaysia ay umabot ito. Napakahirap ng may ashfall dahil kailangan mong linisin ang bubungan mo kung ayaw mong gumuho ito dahil sa kabigatan. Sa totoo lang, ito ang naging sanhi ng pagkamatay ng karamihan. Kailangang sarado rin ang mga bintana para 'di pasukin ng alikabok ang bahay. Mayroon namang isang balita sa tabloid noon ang kumalat - ang Pinatubo daw ay nagbubuga ng mga old coins dahil may nakukuha raw nito ang mga naglilinis ng bubong ng mga bahay ng apektadong lugar! Natawa nalang si Ka Ernie nang mai-feature niya ito sa kanyang segment sa TV Patrol. Taena naman kasi ang kabobohang pinaniwalaan ng iba!
Ang abong ibinuga ang bumalot sa alapaap ng mga lugar na malapit sa bulkan at ito ay isang dahilan para maging madilim ang kapaligiran. Malaki ang naging epekto nito hindi lang sa atin kundi pati na rin sa buong mundo. Dahil sa laki ng aerosol na ibinuga sa stratosphere, nagkaroon ng climate change - bumaba ang global temperture ng 0.5 °C (0.9 °F). Naging dahilan din ang Pinatubo sa maliit na pagkasira ng ozone layer.
Sa kabila ng pagpapahirap nito sa ating bayan ay maraming mga militanteng grupo ang natuwa sa pagsabog ng bulkan dahil natupad na rin sa wakas ang kanilang pangarap na mapaalis ang mga base-militar ni Uncle Sam na U.S. Naval Base Subic Bay sa Olongapo at Clark Air Base sa Pampanga. Ilang kilos-protesta ang 'di pinansin ng mga puti pero nang sila ay maambunan ng abo, nagmamadali silang lumisan paalis ng Pinas. Kawawa naman tuloy ang mga entertainers at hospitality gurls nating naiwanan.
Bilyun-bilyong pesoses ang nawala dahil sa pagkasira ng mga ari-arian, panananim, at iba pang mga istruktura kaya nahirapan ang pamahalaan na muling makabangon. May mga NGO's ang nagtulungan upang mabigyan ng kabuhayan ang mga naapektuhan. Naaalala ko 'yung panahon na napakaraming ibinebenta ang SM na mga keychains, figurines, at kung anu-ano pang borloloy na gawa sa volcanic debris. Ang kita daw nito ay igugugol sa pagtulong sa mga nasalanta. May mga grupo namang gumawa ng hollow blocks mula sa mga gabundok na abong naibuga ng Pinatubo ngunit 'di naman ito napansin ng mga hardwares dahil mahinang klase ito sa construction.
Ang bangungot na inihatid sa atin ng kalamidad na ito ay mahirap malimutan. Ngunit mula sa pagkakalugmok natin ay kinaya nating muling makabangon. Ang balita ko, isang napakagandang tourist spot na ang bunganga ng Pinatubo. May nabuo ditong isang lawa na talaga namang dinadayo ng mga dayuhan.